Isang naiwang bag sa police box na nasa overpass ng Quezon Boulevard sa siyudad ng Kidapawan

Posted on
Nagdulot ng takot sa ilang mga residente ng Kidapawan City ang isang naiwang bag sa police box na nasa overpass ng Quezon Boulevard sa siyudad.
Agad namang rumisponde ang mga kasapi ng K9 unit ng lungsod at siniyasat ang naturang bag at nabatid na negatibo ito sa anumang pampasabog.
Nabatid na ang laman ng nasabing bag ay notebook, sling bag, shirt at iba pang personal na mga gamit.
Sa kabila nito ay nagpasalamat pa rin ang mga otoridad sa pagiging alerto ng mga residente sa lugar upang maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente.