Oil Price Hike

Posted on
Muling nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng la­ngis sa bansa sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong umaga.
Pinangunahan kahapon ng kompanyang Flying V at Petron Corporation ang dagdag presyo na P0.35 kada litro sa gasoline at tig-P0.20 kada litro ng diesel at kerosene na epektibo ngayon alas-sais ng umaga.
Sumunod naman ang kompanyang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kompanya ng langis sa pagpapatupad ng dagdag-presyo sa kahalintulad na halaga na epektibo rin ngayong umaga.
Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Base sa report nga­yong buwan ng Agosto ay panglimang beses na nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.