Hiniling ng China sa North Korea na Sundin ang naging Ruling ng United Nations.

Posted on

China- Hiniling kahapon ng pamahalaan ng China sa North Korea na sundin ang naging ruling ng United Nations o UN at huwag ng palalain ang tensyon sa Korean Peninsula.

Sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi kay North Korean Foreign Minister Ri So-young, na ihinto na nito ang missiles test upang hindi lumala ang tension sa Korean Peninsula.

Nagpalabas ang UN Security Council ng resolusyon kung saan ay nais nilang patawan ng sanction ang Pyongyang dahil sa patuloy na missile tests nito.

Pinayuhan din ni Wang Yi ang North Korea na ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa mga kalapit-bansa upang mapahupa ang tensyon sa Korean Peninsula.