South Korea – Nagbabala ang opisyal ng nasabing bansa na muling magsasagawa ng missile test ang North Korea.

Posted on
Ayon sa mababatas na si Kim Byung-Kee, inamin ng National Intelligence Service o NIS ng Seoul na nakahanda na ang Pyongyang ng missile test at ito ay posibleng isagawa sa mga tunnel ng kanilang nuclear test site.
Huling nagpalipad ang North Korea noong Sabado, ito na ang pangalawa ngayong buwan.
Magugunitang inalmahan ng North Korea ang pagsasagawa ng military drill ng US sa South Korea.